Ang Aking Pangako
By: Jezrell Allida
Sa kabila ng salamin
Ako’y taimtim na nananalangin
Na sana’y walang mangyari
Sapagkat ako’y mayayari
Sa anong paraan ko kaya gugugulin
Ang bawat sandali at minutong nalalabi
Nag-iisa sa kahabaan ng pasilyo
Nakabibinging katahimikan, aking napakinggan
Sumilip sa munting bintana at aking namalayan
Mga tahimik na tawanan aking nasilayan
Napa-isip ako at aking napagtanto
Ang ligaya sa klase ay higit pa sa ginto
Dumaan ang mga minuto at segundo
Sa isang silya, mag-isa at naka-upo
Blangko ang utak na tumatakbo
Nakatitig sa relong ayaw nang huminto
At tumunog ang isang kampanilya
Bumukas ang mga pinto
At ako’y natuwa
At naisip na isang pangako,
‘Di na muling mahuhuli pa!
0 Comments:
Post a Comment