TUWING PASKO
Ni: G-Clef
Nag-iba na ang simoy ng hangin
Alam na, na Pasko’y paparating
Mahirap man ang buhay, ngiti’y pipilitin
‘Pagkat tuwing Pasko, problema’y lilimutin.
Simbang gabi ay kukumpletuhin
Maaga man, dapat gumising
Gagawa ng listahan ng bibilhin
Panregalo man o mga lulutuin.
Sa Noche Buena, konti man ang pagkain
Basta’t kumpleto ang pamilya, kahit ano pa ihain
Alitan sa pamilya o magkakaibigan ay aayusin
Sama ng loob at hinanakit, lahat ay tatapusin.
Ngunit sa kabila ng mga nakasanayang gawain
‘Wag kalimutan, tunay na kahulugan at hangarin
Dahil hindi lamang sarili ang dapat isipin
‘Pagkat Siya ang dahilan ng Paskong ating sasalubungin.
0 Comments:
Post a Comment