Powered by Blogger.

Paskong Pinoy!

Ni: G-Clef

Ilang linggo, ilang araw, ilang oras na lang ba
Bago tayong lahat ay kumai't magsaya?
Magbigay, mag-alay, magdulot ng ligaya
At magpasalamat, magpasalamat sa Kanya?
Ayan na, ayan na, parating na naman
Pasko na ating inaasam-asam
Ang bawat araw na dumaraan
Ay atin nang binibilang
Christmas tree sa mga bahay ay itinatayo na
Ang iba'y nagpaplano ng pagkaing ihahanda
Sa labas, umaawit ang mga bata
At tayong lahat ay nakikisama sa pagkanta!
Simoy ng hangi'y nag-iiba
Ang paligid ay napupuno ng saya
Umindak, kumanta, magpalaganap ng ligaya
Paskong Pinoy ay tunay ngang kakaiba!

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP