Powered by Blogger.

PASKO NA?

Ni: Romelia B. Aquino

Pag-aaral ay sadyang mahirap na pasanin
Paano pa kaya sa mga estudyante ng Narsing?
Babad sa ospital,sa pag-aalagang masinsin
Nakatayong magdamag araw-araw pa man din

Masarap namang mag-aruga
At tumanggap ng pasasalamat mula sa iba
Ngunit wala nang oras sa pamilya
Pati para sa sarili’y naubos na.

Wala nang alam sa mundo.
May giyera na’t nagkakagulo
Ngunit nakatutok pa rin sa papel na blanko
Nasa isip ay ang mga grado.

Ilang punit na lang sa kalendaryo
Sasapit na muli ang pagsilang kay Kristo
Ulan, araw, mga pagsusulit at malalaking libro
Kinabukasa’y masasabi na lamang “Ay! Pasko na? Pasko!”

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP