Powered by Blogger.

Tunay na Kaibigan

Ni Jia Arianne Phi

Sa una’y mapagpanggap at akala mo’y kasundo
Ngunit ang tunay na katauhan sadyang itinatago.
Ilalarawan ko sa iyo itong kaibigan na kaaway mo.
Kapag kaibigan siyang maituturi’y,
Pagbibigyan ka kahit minsa’y mapanuri.
Sa bawat galaw siya ay nakabantay
habang ang kaba mo ay walang humpay.
Umaapaw ang takot mo ‘pag nagkamali
Subalit ang sagot lang naman niya ay ngiti.
Hindi kaagad-agad magagalit.
Mahaba-haba ang pasensyang nakakubli.
May pagkakataong siya naman ay kaaway.
Sa tunog ng bawat yapak niya, ikaw ay nangingisay.
Takot sa mga tanong niyang ‘di mo masagutan
Piniga mo na ang iyong utak ‘di pa rin matuklasan
Minsan ay malulusutan
Datapwat madalas ay nag-aabang ng iyong katapusan.
Matanong, mabusisi at minsa’y makulit,
Madalas pa nga’y masungit.
Sumama man ang araw mo sa kanya
At ika’y nanliliit sa kanyang pagkutya.
Isipin mo na lang ang pagod niya
Sa pag-aaruga at pagpapaalaala
Upang ika’y ‘di magkamali sa harap ng iba.

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP