KRITIKO
Ni: Romelia B. Aquino
May sariling mundo,
Binubuhat ang sariling karga.
Ano itong naririnig ko?
May mga panibago na namang kritiko.
Paulit-ulit, paulit-ulit
Umaalingawngaw sa hangin,
‘Di na mapakali.
Bakit kaya ‘di ko mawari?
Sumusulpot bigla
Ngunit ‘di nawawalang parang bula
Tumatatak sa isipan ko
Tumatatak sa isipan nila
Saksak dito, saksak doon
Nag-iiwan ng pasa’t
May bakas ng mga latay
Sa puso’t isipan ito’y humihimlay
Pagkakaibigan at pinagsamahan
Saan na napunta?
Kung tuluyan nang nalimuta‘y
Baka ang sunod ay ako na.
0 Comments:
Post a Comment