Powered by Blogger.

DITO LANG AKO

(para kina Jomi at Joro)
ni ECH

Kung ang umaga mo’y maulap
Walang gana’t isip ay hirap
Dito lang ako’t sa iyo’y yayakap

Kung ang buhay mo’y mabagyo
Walang humpay sa matinding pagbayo
Dito lang ako’t iyong kasuyo

Kung mga mata mo’y hilam ng luha
Sa hirap at sakit nagdurusang lubha
Dito lang ako’t karamay sa pag-andukha

Kung sa pag-awit mo’y wala sa tono
Kahit pilitin, di maitago ang pagkasintonado
Dito lang ako’t sasabayan ka ng todo

Kung mga pangarap mo’y naging bulalakaw
Sumadsad sa lupa’t umaalingawngaw
Dito lang ako’t tutugtugan ka ng batingaw

Kung mabigat ang krus na pinapasan
Waring di mo na kayang lampasan
Ditto lang ako’t kahati sa kapighatian

Kung ang mundo’y walang pakialam sa iyo
Yagit yaring turing at pagkilala sa iyo
Dito lang ako’t magpapahalaga sa iyo

Kung hiram na buhay mo’y magwakas
Paglisa’y pagyakap sa kapayapaang wagas
Dito lang ako’t aawitan ka ng pahimakas

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP