Powered by Blogger.

Literary: Namamasko Po


Tao po! Tao po! Namamasko po!
Ito ang sadya sa pagparito
Kahit barya’y tatanggapin po
Kung maluwat sa kalooban ito

Tao po! Tao po! Namamasko po!
Ito ang sadya sa pagparito
Dampa nami’y inanod ng baha
Wala ng babalikan kahit lumuha

Tao po! Tao po! Namamasko po!
Ito ang sadya sa pagparito
Bunso’t nanay ko’y nalunod
Nalibing sila ng walang puntod

Tao po! Tao po! Namamasko po!
Ito ang sadya sa pagparito
Tanim ng palay at gulay lumubog
Anong aanihin, dapat bang magdabog?

Tao po! Tao po! Namamasko po!
Ito ang sadya sa pagparito
Kahit barya’y tatanggapin po
Kung maluwat sa kalooban ito

EMI

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP