Literary: Bakit Kailangang Ituloy ang Pasko
Huwag kang magkubli sa masangsang
na dahilan upang di ka magdiwang
sa Paskong laging hinihintay
Huwag mong idahilan na wala ka
kahit isang kusing; walang pagkain
at prutas sa mesa; walang bagong
damit; walang parol, belen at krismas
tri; walang pangregalo; walang wala
kahit bula
Wala man ang lahat ng bagay, tuloy
pa rin ang Pasko. Ang Berbong nagkatawang
tao ang pinakamagandang dahilan upang
ituloy ang pagdiriwang ng Pasko. Siya
lang at wala ng iba pa.
Tuloy ang pasko sa kabila ng lahat mong
paulit-ulit na daing at iling. Tantuin
mong sa Kanyang pagdating, dala Niya’y
pag-ibig at pag-asang sa buhay mo’y
magdudulot ng tuwang walang kahambing.
EMI
0 Comments:
Post a Comment