Literary: Himig Pasko
Mga himig pamasko sa radyo’y maririnig
May siglang inaawit sa masayang tinig
Bata’t matanda’y sumasabay sa awit
Kahit sintonado’y nagpipilit humirit
Sari-saring paksa ang isinasaysay
Ng bawat himig na mabilis at malumanay
Sa Ingles o Filipino ma’y walang sablay
Sa pagdudulot ng aliw sa buhay
Ano nga ang Pasko kung walang himig
Paano ngingiti ang pusong halumigmig
Ano ang pakikinggan sa gabing malamig
Kung ayaw umawit ng mga kuliglig?
Buksan ang bintana’t malasin ang paligid
Pasko’y narito na’t may dalang pagpapala
Awitan ang sanggol sa gusgusing silid
Na tanging handog ng diyos na dakila
Pag-ibig ang tunay na himig pasko
Diyos ang nagkaloob sa tao
Lakip ang pmaaasahang pangako
Pagmamahal Niya’y laging totoo
-EMI
0 Comments:
Post a Comment