Powered by Blogger.

Literary: Dear Santa


Sa pagdatal ng Paskong kinasasabikan
Bata’t matanda’y may kahilingan
Sari-saring mg abagay na kailangan
Ay! Lubhang kay dami kung pakinggan

Turo sa mga bata’y isulat sa papel
Lahat ng ibig na sa Pasko’y matanggap:
Laruan, damit, sapatos, kendi’t kahel
At ilagay sa medyas nang may paglingap

Kahit matatanda ba’y pagbibigyan ni Santa?
Gayong may uban na’t animo’y halamang lanta
Bakit di subukan gayong wala namang masama
Bakit mahihiya kay Santang mahusay makisama

Sabihin kay Santa ang nais makamtan
Kahoy, yero’t pako nang may masilungan
Walis na panlinis, lumang damit sa katawan
Bigas, noodles at sardinas sa tiyang walang laman

Kung kakayanin pa ni Santa na tugunan
Hanapbuhay na pagkakakitaa’t masasandalan
Bagong pamayanang di binabaha kapag umuulan
At gobyernong di ningas-kugon sa nangangailangan

ECH


0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP