Leprosy
By anonymous
Kinatatakutan ko ang sakit na leprosy
O marahil ang tatak na kakambal nito
Tatak na mahirap maikubli
At pinipilit maging abo
Nakasusuya ang salitang leprosy
Sadyang bawal bigkasin ito
Dahil kadikit nito ang salitang sawi
Sa malaki’t magarang mundo
Inaayawan ko ang tunog ng leprosy
Talagang tenga ko’y nabibingi
Sa mga tinig na puno ng pighati
Sa mga notang di mawari
Ang leprosy ay kapangitan
Sa mundong puro kagandahan
At pisikal na kaanyuan
Ang pinangangahulugan ng bayan
Ang leprosy ay kamangmangan
Sa mundong ang katalinuhan
At ang higit na kaalaman
Ay nababasa lang sa kasulatan
Ang leprosy ay kahirapan
Sa mundong di nakatira sa sabsaban
Walang yaman na ipagmamayabang
O pagkaing mailagay sa tiyan
Ang leprosy ang sakit ng lipunan
Isang salot na pinandidirihan
Parang kandilang sinilaban
Pumapatay ng dahan-dahan
0 Comments:
Post a Comment