Powered by Blogger.

Literary: Tuloy Ang Pasko



Sino ang pipigil sa Pasko
Gayong ito’y katuparan ng pangako
Diyos na nagkatawang tao
Sa mundo’y dumating at nakihalubilo

Sangkatauhang lito at nakalugmok
Naghahanap ng ligayang marupok
Sa pagsilang ng Mesiyas na sanggol
Tao’y nakasumpong ng tagapagtanggal

Sukdulan man ang dami ng pagsubok
Sa buhay ng mga maralitang dayukdok
Luha, hapis, sakit at dagan-dagang himutok
Dahilan ba ito upang Pasko’y maging pamatok?

Batid ng Lumikha ang lahat ng bagay
Sa Kanya’y walang maikukubling palagay
Sa timbangan Niya’y lahat pantay-pantay
Kaya Pasko’y dapat may tuwang hinihintay

Pasko’y handog ng Diyos na maawain
Sa Tao’y pamanang di kayang sukatin
Tuloy ang Pasko dagsa man ang alalahanin
Si Emmanuel, ang Diyos ay nasa piling natin

EMI

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP