Powered by Blogger.

CORAZON: IBA’T IBANG MUKHA



(Photo from Inquirer.net)


KABIYAK ng lalaking nagbuwis


ng buhay sa ngalan ng kalayaan





ILAW NG TAHANANG patuloy


ng nagliwanag sa gitna ng karimlan





MATER DOLOROSA sa asawang


pinaslang  at bunsong mapagsapalaran





MARTIR sa matitinding pagtitiis


sa sakit na sumubok sa tibay ng katauhan





BABAE NG PANALANGIN na tuwina’y


nagrorosaryo’t nananalig sa Kaitaasan





GINANG ng mapayapang rebolusyong


nagbigkis sa watak at dungong lipunan





INA NG DEMOKRASYANG nagbalik


sa bayang api’t siil ng katarungan





IMAHENG DILAW na nagsabog


ng liwanag sa bayang piniringan





PINUNO ng bansang gumapang


sa lusak ng dusa’t karalitaan





BABAE NG TAON na nagsilbing


inspirasyon sa tanang kababaihan





PINAY na huwaran sa kilos


at pag-uugali at dangal ng sambayanan



By:  EMI, Filed under Literary and Filipino

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP