Powered by Blogger.

Pilipinong Tomasino: sa 400 Taon ng Pagbabago





I. Mekaniks para sa Patimpalak ng Pagsulat ng Tula at Paggawa ng Slogan

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral mula sa una hanggang sa ika-apat na lebel ng Kolehiyo ng Nursing, UST
2. Hindi maaaring lumahok ang mga miyembro ng Nursing Journal.
3. Ang bawat seksyon ay hinihikayat na magpadala ng isa o mahigit pang kalahok o kinatawan sa bawat kategorya.

4. Maaaring magpasa ng isa lamang na akda sa bawat kategorya ngunit maaaring sumali sa iba pang kategorya.

5. Ang manunulat/mag-aaral ay dapat gumamit ng alyas o pen name.

6. Ang isinulat na tula at ginawang slogan ay isusumite sa organization room ng Nursing Journal, kung saan may nakalagay na mga tuntunin sa pagpasa ng mga akda.

7. Ang nakahandang sulatin ay isisilid sa brown envelop, gayundin ang ipapasang slogan. Lagyan ng label (student number) ang likod ng brown envelope, sa kanan at itaas na bahagi.

8. Ang resulta ng patimpalak ay idedeklara/malalaman/ipapahayag sa buwan ng Setyembre, sa Bulletin Board ng Nursing Journal.

9. Ang mga ipapasang piyesa ay nararapat na orihinal na gawa ng nagpalistang mag-aaral. Anumang paglabag dito ay bibigyan ng kaukulang sanksyon.

10. Filipino (Tagalog) ang wikang dapat gamitin sa paglikha ng mga akda.


A. Mekaniks sa Pagsulat ng Tula

1. Ang tulang isinulat ay nararapat nakasentro sa tema para sa Kolehiyo ng Nursing Buwan ng Wika 2010.

2. Ang tula ay maaaring malayang taludturan o may tugma. Walang takdang bilang ng saknong na maaaring gawin.

3. Ang tula ay dapat na lakipan ng pamagat. Computerized, 1.5 spacing, Times New Roman, font 12 at nakasulat sa maikling puting bond paper.


B. Mekaniks sa Paggawa ng Slogan

1. Ang ipapasang slogan ay dapat nakasentro sa kasalukuyang tema ng Kolehiyo ng Nursing Buwan ng Wika.

2. Ang slogan ay maaaring lagyan ng kaukulang paglalarawan sa pamamagitan ng pagguhit upang maipahayag ang mensahe o ideyang nais ipahiwatig. Maaaring gumamit ng anumang midyum sa pagkulay ang mga kalahok.

3. Maaaring dalawa ang gagawa ng slogan – isa ang mag-iisip at/o magsusulat ng slogan at ang isa nama’y magdidisenyo.

4. Ilagay ang slogan sa maikling puting bond paper.


Pamantayan sa Paghahatol ng Tula:

Nilalaman - 60%

Istilo - 30%

Kabuuang dating - 10%

Kabuuan - 100%



Pamantayan sa Paghahatol ng Slogan:

Nilalaman - 50%

Disenyo - 40%

Kabuuang dating - 10%

Kabuuan - 100%

0 Comments:

Post a Comment

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP