Powered by Blogger.
Showing posts with label Literary. Show all posts
Showing posts with label Literary. Show all posts

Lapis

Bata’t matanda’y inampon ka

Walang natutong di ka makasama
Silbi mo’y nasa matiyagang pagtatasa

Ikaw ang sumusulat ng kapalarang nasa

EMI

Read more...

Rosaryo



Animo mga luhang tinuhog

Sa hirap at ginhawa’y kasama

Panalanging inuusal ng bumubusog

Sa puso’t kaluluwang hinuhulma



Anong hiwaga ang bumabalot sa’yo

Paborito kang dasal ng Birheng masuyo

Lunas ka nga ba sa mga siphayo

Susi sa langit matapos na yumao?

ECH

Read more...

Asin



Kay dami mong makabuluhang gamit

Pampalasa, pangreserba, panlinis

Pang-alay, panggamot, pampakinis

Hamak man sa tingin ng gumagamit



Diyos na ang nagwika sa tao

“Maging asin at liwanag sa mundo”

Isang hamong sa balana’y nakalilito

Pagkat walang may ibig maging santo

ELMS

Read more...

Payaso


Larawan ka ng sigla’t kasiyahan

Makulay mong kasuota’y kinatutuwaan

Ngiti sa labi mo’y walang pasidlan

Dulot mong tuwa’y laging inaabangan



Sinong nakababatid ng iyong lumbay

Sa puso’t kaluluwa mo’y nakadantay

Sinong magsasabing ang mang-aaliw

Sa likod ng makara’y tila baliw

EMI

Read more...

Ukay-ukay

Masayang mamili sa ukay-ukay
Dagsa sa mga panindang makukulay:
Bestida, pantalon, kamiseta, tokong
Tsinelas, medyas, sapatos at paying

Bawat bagay na dito’y mabili
Sampal sa mukha ng mamimili
Tadyak sa dangal ng nawiwili
Alipusta sa ngalan ng makasarili

Malinaw kang tanda ng kahirapan
Sa baying lugmok sa karalitaan
At mahilig mamulot ng mumo kung saan
Sa ukay-ukay ba’y magkano ang pangalan?

EMI

Read more...

Bonsay

Ni ECH

Nilulumot na lalagyan
Ilang dakot na lupa
Ito ang iyong mundo
Ito ang iyong pag-aari.

Sa labis na pagkagiliw
O sa labis na pag-ibig
Katawa’t kaluluwa mo’y
Pinuluputan ng matigas
Na kawad upang hangad
Na anyo’y matamo. At
Saka pupungasan upang
Ganda mo’y mapansin.

Sa paglipas ng mga taon
Tatanghalin kang isang
Obra maestrang hinubog
Sa kamay na bakal;
Pinanday sa talim ng
Pagsikil; hinulma sa
Lupit ng pagsupil at
Inaruga sa pait ng pagsinta.

Kabansutan mong hinahangaan
Kalayaan ang kabayaran
Layuning ika’y maparikit
Nagdaranas ka ng matinding sakit

Read more...

Apoy


Hatid mo sa daigdig ay liwanag

Init ng hininga mo’y nakalulusaw

Lamig sa puso’y iyong binabahaw

Matutukso sa alab mong nakabibihag

EMI

Read more...

Salapi


Mundo’y umiikot dahil sa iyo

Mutya kang iniirog at sinusuyo

Ugat ka ng sigalot at siphayo

Ibigin ka’y may sumpang kasuyo

Read more...

Langit


Sabi sa Bibliya ito’y tahanan ng Diyos

Maringal na luklukan ng mga banal

Bayan ng mga kaibigan ni Kristong mahal

Himlayan ng mga kaluluwang malinis na lubos



Ibig ko ring makarating sa langit

Kung matapos na yaring mga sakit

Makita ko kaya ang daan kay Bathala

Tanggapin kaya ako’t bigyan ng pagpapala

ELMS

Read more...

Sugat

Bakit umaaray sa maliit na sugat

Gayong malayo ito sa bituka’t sikmura

Bakit tahimik sa malalim na sugat

Gayong halos ikamatay ang sakit nito?

May salita ang hapdi’t kirot ngunit

Walang wika ang ugat ng sugat!

ECH

Read more...

Hiram



Ang lahat sa daigdig ay hiram

Buahy, tagumpay, ligaya’t yaman

Ganda, talino, lakas at kapangyarihan

Wag pabubulag at paaalipin sa mga ito

Pagkat ano mang hiniram o pinahiram

Sa takdang panahon ay ibabalik

Sa alikabok nagmula’t muling makikitalik

ECH

Read more...

Lamay



Uso ang lamay pag may patay

Kahit sino’y pwedeng magbantay

Lalo na’t may kapeng pambuhay

Sa diwang ibig nang bumigay



Di lamang sa patay ang lamay

Sa taong may pangarap ito’y karamay

Paano kakamtin mithiing makulay

Kung ayaw ng mahabang paglalamay?

ELMS

Read more...

Gutom



Walang sinisino, walang iginagalang

Masalapi’t dukha’y mga aliping tunay

Pag ikaw ang naghari sa mundong lupasay

Di kaya kainin pati bakal na makalawang

EMI

Read more...

Pananahimik



Isang kanlayaw na sakdal tamis

Pumapawi ng pagod, inis at hapis

Hatid sa isip at puso’y ligayang labis

Bakit kinamumuhia’t laging pinapalis?

ECH

Read more...

Kamay


Magkahiwalay ngunit magkaugnay

Laking gampanin sa buhay

Gamit sa pagtatayo ng bantayog ng tagumpay

Gamit sa paghukay ng libingang sinsay

ECH

Read more...

Panalangin ng Nars



ni ECH

Banal na Lingkod! Ikaw ang huwaran ng ganap na pag-aalay ng sarili sa iba. Sa aking pagtupad ng tungkulin sa araw na ito, lukuban Mo ako ng Iyong Banal na Espiritu upang maganap ang banal na kalooban Mo sa buhay ng mga pasyenteng paglilingkuran ko ngayon. Loobin Mong makita kita sa katauhan nila na nagbabata ng sari-saring karamdaman at hirap; madama Kita sa paghawak ng kanilang mga palad na umaasa ng tapat na pag-aaruga; marinig Kita sa kanilang mga tinig ng pagdaing at pagsusumamo; maunawaan Kita sa kanilang mga litanya ng pangangailangan; madamayan Kita sa pag-unawa sa kanilang kalagayang puno ng dalita, at mayakap Kita sa kanilang mga panalangin para sa mabilis na kagalingan. Lagi Mong ipaalala sa akin na hinirang Mo akong maging nars upang maglingkod at ihandog nang walang pasubali ang sarili nang sa gayon ay makabahagi Mo ako sa pagpapalaganap ng iyong kaharian sa mundo. Panginoon, narito ang Iyong alipin na handang tumalima sa Iyong ipagagawa. Amen.

Read more...

Leprosy


By anonymous

Kinatatakutan ko ang sakit na leprosy
O marahil ang tatak na kakambal nito
Tatak na mahirap maikubli
At pinipilit maging abo
Nakasusuya ang salitang leprosy
Sadyang bawal bigkasin ito
Dahil kadikit nito ang salitang sawi
Sa malaki’t magarang mundo

Inaayawan ko ang tunog ng leprosy
Talagang tenga ko’y nabibingi
Sa mga tinig na puno ng pighati
Sa mga notang di mawari

Ang leprosy ay kapangitan
Sa mundong puro kagandahan
At pisikal na kaanyuan
Ang pinangangahulugan ng bayan

Ang leprosy ay kamangmangan
Sa mundong ang katalinuhan
At ang higit na kaalaman
Ay nababasa lang sa kasulatan

Ang leprosy ay kahirapan
Sa mundong di nakatira sa sabsaban
Walang yaman na ipagmamayabang
O pagkaing mailagay sa tiyan

Ang leprosy ang sakit ng lipunan
Isang salot na pinandidirihan
Parang kandilang sinilaban
Pumapatay ng dahan-dahan

Read more...

The Regret of an Old Puppeteer

By: John Martin F. Musones

In my olden memory, I can evoke
How my hands magically stroked
The long, thin, and almost lucent strings
Of my little wooden puppet rings

My prized and only treasured possession
Was separated from me in prison
When the time I was alleged of lying
And a robbery I claimed of doing

I cried everyday as I recall
The time my puppet would rise and fall
But now I’m frustrated to uselessly look
My hand-less arms that the sentence took

Read more...

The Sorrow of a Wooden Puppet

By: John Martin F. Musones

It isn’t late to recognize the facts
How my entire body gradually rots
Every corner and joint turns rigidly
As I look up to most precious majesty

He used to carry me around town
Now I am all alone, mown, and forlorn
He used to wear me around his fingers
But now it’s only nothing that lingers

I am useless as a broken-stringed toy
No pleasure even to a homeless boy
Why, Master, can’t you again show me
How happy it was to move and be free?

Read more...

The Dying Writes

By: tashaness

I write for the people who are misunderstood
I write for the people who don’t have enough food
I write for the people who are stuck in the past
I write for the people whose happiness doesn’t last

I write for the people with pains in their hearts
I write for the people who don’t have enough smarts
I write for the people who are constantly oppressed
I write for the people who are sad and depressed

I write for the father whose family he can’t lead
I write for the mother whose children she can’t feed
I write for the children who can’t go to school
I write for the family whose brother is a fool

I write for the little girl with a serious illness
I write for the old lady longing for a loving caress
I write for the little boy who can’t play in the rain
I write for the old man frustrated with his cane

I write for the blind who desperately wants to see
I write for the deaf who can’t hear you and me
I write for the mute who’s pining for a good scream
Write for people who can’t realize their ultimate dream

I write for the poet who can’t produce a single rhyme
I write for the single people well past their prime
I write for the beggar who doesn’t have a single dime
I write for myself because I’m running out of time…



Read more...

About This Blog

Blog Archive

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP